Nilinaw ni Senate Finance Committee Chairperson JV Ejercito na koordinasyon at pagtatakda ng iskedyul ang pangunahing tatalakayin sa pulong ngayong Nobyembre 3 kaugnay ng panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027, at hindi ang umano’y realignment ng pondo.

Ayon kay Ejercito, pag-uusapan sa pagpupulong ang mga detalye at parameters ng mga magiging sesyon ng bicameral conference committee, na dadaluhan ng mga kinatawan ng Senado at House of Representatives.

Nauna nang sinabi ng senador na inaasahang rerepasuhin at tatapusin ang panukalang badyet sa ikalawa o ikatlong linggo ng Disyembre upang mapirmahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago matapos ang 2026.

Makikipagpulong din si Ejercito kay House appropriations panel senior vice chairperson Albert Garcia ng Bataan, kasunod ng panganganak ni Nueva Ecija Representative Mikaela Suansing, na namumuno sa komite.

Nauna nang kinuwestiyon ni Ejercito ang naiulat na ₱206-bilyong realignment sa bersyon ng panukalang badyet na inaprubahan ng Kamara. Kabilang sa mga ahensyang napansing nadagdagan ang alokasyon ang Department of Agriculture at Department of Public Works and Highways.

-- ADVERTISEMENT --

Mahigpit na binabantayan ng mga civil society group at budget watchdog ang proseso ng pagbuo ng 2027 budget, lalo na ang mga iniulat na kahina-hinalang alokasyon at ang mga posibleng pagbabago sa panukala sa pagtalakay ng Senado at Kamara sa bicameral conference committee.