Hiniling ng mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa Trial Chamber III na tanggapin bilang ebidensiya ang mga naunang naitalang testimonya ng apat na testigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa prosecution, naglalaman ang mga pahayag ng ebidensiya tungkol sa umano’y mga pekeng ulat ng Philippine National Police kaugnay ng mga pagpatay sa panahon ng kampanya kontra droga.

Tatalakayin sa mga testimonya ang umano’y paggamit ng drug watchlists, pag-target sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, at mga operasyon ng pulisya na nauwi sa pagkamatay ng mga biktima.

Kabilang din sa mga pahayag ang umano’y paggawa ng mga maling ulat tungkol sa mga pagpatay, paggamit ng mga bayarang asset at pagbibigay ng gantimpala sa mga pulis na sangkot sa mga operasyon.