Muling naghain ng kahilingan si Vice President Sara Duterte sa International Criminal Court (ICC) upang mabisita ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakadetine sa The Hague, Netherlands.

Kinumpirma ni Sara na nais niyang makadalaw sa dating pangulo sa Disyembre at umaasa siyang maaaprubahan ang kaniyang kahilingan.

Samantala, iginiit ng bise presidente na dapat maging balanse ang pakikitungo ng Pilipinas sa ibang bansa, kabilang ang China, at higit na pairalin ang diplomasya sa pagtalakay sa mga usaping teritoryal.

Binigyang-diin din niyang dapat laging isulong ng pamahalaan ang pambansang interes, sa halip na interes lamang ng isang politiko, negosyante o dayuhan.

Nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30 ang paglilitis kay Duterte sa ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity.

-- ADVERTISEMENT --