
Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng ilang ahensiya ng gobyerno matapos italaga sa bagong puwesto ang ilang matataas na opisyal ng administrasyong Marcos.
Mula BIR, lilipat sa Bureau of Customs o BOC si Commissioner Charlito Mendoza.
Si BOC Commissioner Ariel Nepomuceno naman ang mamumuno sa Bases Conversion and Development Authority o BCDA.
Mula BCDA, lilipat sa Philippine Economic Zone Authority o PEZA si Joshua Bingcang.
Habang si Department of Finance Undersecretary Rolando Ligon Jr. ang itatalaga bilang bagong BIR Commissioner.
Kabilang sa mga ahensiyang maaapektuhan ng balasahan ang BIR at BOC na nangangasiwa sa pangongolekta ng buwis at customs duties, gayundin ang BCDA at PEZA na may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng mga investment zone sa bansa.
Samantala, nauna nang kinumpirma ni Nepomuceno ang kanyang pag-alis sa BOC matapos ang mahigit isang taong panunungkulan.










