Tiniyak ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na maayos ang kalagayan at pagtrato sa mga Pilipinong naninirahan sa China sa kabila ng maritime dispute nito sa Pilipinas.

Ayon kay FlorCruz, maraming Pilipino ang matagumpay sa kanilang trabaho bilang mga guro, inhinyero, musikero at technician.

Iginagalang din sila ng kanilang mga katrabaho at komunidad, habang pinahahalagahan ng kanilang mga employer.

Dagdag pa ni FlorCruz kampante ang mga Pilipino sa kanilang kaligtasan dahil bihira ang krimen sa China.

Aniya, tinatanggap ang mga Pilipino bilang mga kaibigan sa kanilang mga komunidad.

-- ADVERTISEMENT --