Naglabas ng magkasanib na deklarasyon tungkol sa kapayapaan sina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping matapos ang kanilang 90-minutong trilateral meeting sa Shenzhen, China.

Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng deklarasyon ang paninindigang hindi maaaring mapanalunan ang isang nuclear war at hindi ito dapat kailanman mangyari.

Nangako rin ang tatlong lider na palakasin ang dayalogo upang mabawasan ang panganib ng paggamit ng nuclear weapons at maiwasan ang paglaganap ng mga ito.

Bukod dito, napagkasunduan din ang pagsusulong ng reporma sa United Nations at pagpapalawak ng produksyon at suplay ng refined petroleum products upang mapanatili ang katatagan ng suplay ng enerhiya sa buong mundo.

Itinuturing na makasaysayan ang naturang pagpupulong dahil unang pagkakataon na nagsagawa ng trilateral summit ang tatlong lider ng pinakamalalaking nuclear powers sa mundo.

-- ADVERTISEMENT --