
Muling nagpakitang-gilas ang mga nagtapos mula sa iba’t ibang pamantasan sa Lambak Cagayan matapos makapasok sa hanay ng mga national topnotchers sa September 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).
Sa Elementary Level, nakamit ni Princess Quenn Pagaduan Aguinaldo ng Cagayan State University (CSU)-Lal-lo Campus ang ikalawang puwesto sa buong bansa, na may 95 percent rating. Pumanglima naman si Janele Capili Bacunot ng CSU-Piat Campus na nakakuha ng 94.40 percent.
Sa Secondary Level, kabilang sa mga nakakuha ng ikaanim na puwesto na may 94.20 percent rating sina Mark Jayson Dones Abella at Marielle Doniego Cabagui ng CSU-Aparri, Adrian Cauilan Garma ng CSU-Tuguegarao, Ana Marie Marquez Mendoza ng CSU-Andrews, at Kim Brian Carag Guiyab ng Isabela State University (ISU)-Cabagan.
May iba pang nagtapos mula sa CSU, ISU, Nueva Vizcaya State University (NVSU), at Saint Mary’s University na nakapasok sa Top 7 hanggang Top 10 sa dalawang antas ng pagsusulit.
Nagtala ang mga ito ng ratings na mula 93.40 hanggang 94 percent, na nagpapakita ng kahusayan ng mga bagong guro mula sa Lambak Cagayan sa pambansang pagsusulit.










