
Walang Pilipinong naiulat na naapektuhan sa nakamamatay na aksidente sa kalsada sa Ras Al Khaimah, United Arab Emirates (UAE), na ikinasawi ng mahigit 10 katao.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Analyn Ratonel, batay sa ulat ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi, wala pang natatanggap na impormasyon tungkol sa mga Pilipinong kabilang sa mga biktima ng insidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang embahada sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi.
Batay sa ulat, umabot na sa hindi bababa sa 13 ang nasawi matapos magbanggaan ang isang pampasaherong bus at trak sa Al Watan Street sa Ras Al Khaimah.
Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente.
-- ADVERTISEMENT --










