Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Abra nitong Linggo, Marso 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:18 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Langiden, Abra, na may lalim ng 6 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Langiden at Pidigan, ABRA; City of Vigan, Bantay, Santa, San Ildefonso, at Santo Domingo, ILOCOS SUR.

Intensity III sa San Quintin, ABRA; Sinait, Magsingal, San Juan, Cabugao, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, Narvacan, at Caoayan, ILOCOS SUR

-- ADVERTISEMENT --

Intensity II sa Bangued, ABRA; Santa Maria, San Esteban, Burgos, Lidlidda, Banayoyo, at Santiago, ILOCOS SUR
habang intensity I sa San Isidro, ABRA; City of Candon at Santa Lucia, ILOCOS SUR

Hanggang nitong alas 5:00 ng hapon ay nasa 13 aftershocks na ang naitala kasunod ng pagyanig sa Abra na ang pinakamalakas ay magnitude 3.5