Tumaas ang admission ng mga nanganganak sa Cagayan Valley Medical Center nitong nakalipas na buwan ng Disyembre 2022.

Ayon kay kay Dr. Glenn Mathew Baggao, CVMC Medical Center Chief, nangunguna ang panganganak sa mga admission sa ospital kung saan naitala ang kabuuang 437 na nanganak nito lamang nakalipas na buwan.

Pumangalawa naman sa datos ang vehicular accident na may 74; stroke sa 81; chronic diseases sa 56, leptospirosis sa 37, fractures sa 30 at apendicitis.

Sinabi ni Dr Baggao na sa nasabing buwan ay nasa 1,471 ang admission sa CVMC na mas mataas kumpara sa datos noong December 2021.

Sa naturang bilang, 457 dito ay mga referral mula sa ibang pasilidad sa rehiyon dos at kalapit na rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --