
Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sumulat na ang airlines sa Transportatiom Department para humiling ng diskuwento sa airport fees.
Sa harap ito ng pagtaas ng halaga ng presyo ng jet fuel sa gitna ng giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, partikular na hiniling ng airline operators ang diskwento sa landing fees, parking fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at navigation fees ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Aminado naman si Manila Police District Spokesperson PMaj. Philipp Ines na mas malaki pa ring epekto sa gastusin ng airlines ang mataas na jet fuel kaysa sa airport fees.
Sa Lunes ay nakatakdang magpulong ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang CAAP at Civil Aeronautics Board para talakayin ang kahilingan ng tatlong grupo ng airline operators.








