Nakikiramay ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ni Police Colonel Pergentino Malabed, Chief of the Supply Management Division.
Si Col. Malabed ay kabilang sa mga sakay ng American Airlines flight na bumangga sa US Army Black Hawk helicopter malapit sa Reagan National Airport sa Washington, D.C. noong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa PNP, si Malabed ay nasa isang official travel nang mangyari ang trahedya.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na malaking kawalan si Malabed sa hanay ng Pambansang Pulisya dahil sa kanyang hindi matatawarang dedikasyon sa serbisyo.
Kasunod nito, nagpaabot ng taus-pusong pakikiramay ang PNP sa naulilang pamilya ng opisyal kung saan handa aniya silang bigyan ng suporta ang pamilya nito.