Umarangkada ang Alas Pilipinas Women matapos talunin ang Mongolia sa straight sets, 25-13, 25-11, 25-20, sa classification round ng 2026 Asian Games sa Japan.

Nanguna si Angel Canino para sa Pilipinas na may 12 puntos, habang may 10 puntos si Bella Belen at siyam naman kay Alyssa Solomon.

Matapos kontrolin ang unang dalawang set, nakabawi ang Mongolia sa third frame at nakalapit sa apat na puntos, 21-17.

Gayunman, nakabawi agad ang Alas at tuluyang isinara ang laro para maitala ang ikalawang sunod nitong panalo sa classification round.