Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyon ng MAGSASAKA Party-list na tinangka umano ng mga pulis na patayin ang nominee nitong si Lejun dela Cruz.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nagpapatupad lamang ng arrest warrant ang mga awtoriadd para sa murder laban kay Dela Cruz ngunit sinubukan umano nitong tumakas.
Ayon pa kay Fajardo, binangga ng sasakyan ni Dela Cruz ang apat na sasakyan at motorsiklo.
Dinala sa ospital ang isang pulis matapos magtamo ng pinsala sa katawan.
Matatandaang inakusahan ng MAGSASAKA Party-list ang ilang tauhan ng PNP na sinubukang dukutin at patayin ang nominee nito, araw ng Linggo, Pebrero 2.
-- ADVERTISEMENT --