Makakasagupa ni Women’s Tennis Association world No. 49 Alexandra “Alex” Eala sa unang pagkakataon ang No. 112 na si Zeynep Sonmez ng Turkey pagpalo ng 4th WTA 500 Mubadala Abu Dhabi Open main draw round of 32 sa United Arab Emirates ngayong Lunes.

Hindi pa naitatakda ang oras ng girian ng 20-anyos Pinay netter, Globe Ambassador sa pangatlong sasabakang torneo sa 56th WTA 2026 Tour makaraan ang 1st Philippine Women’s Open WTA 125 sa Manila, 114th Australian Open sa Melbourne at 39th ASB Classsic sa Auckland.

Agad na nag-ensayo si 2025 Southeast Asian Games gold medalist Eala pagdating sa Abu Dhabi kung saan ipinakita ng ama niya na si Michael ang video sa paghahanda ng anak na sa event na ikakasa sa Zayed Sports City International Tennis Centre.

May live ranking na ngayong 43rd si Eala nak asado sa kapwa papaangat na si Sonmez.

Bitbit ni Eala ang career record na 197-win at 118-lost kasama ang mga titulo sa WTA 125 (1) at International Tennis Federation (5).

-- ADVERTISEMENT --

Ang highest ranking niyang kasalukuyang No. 49 ay naabot nitong Enero 12.

Huli niyang resulta sa mga pagsabak sa Grand Slam singles sa 2026 Australian Open, 2025 French Open at 2025 Wimbledon lahat sa first round MD. Umabot siya sa 2025 US Open second round.

Itinala naman ni Sönmez ang career record na 227 panalo at 155 talo na may isang career title. Ang highest ranking niya ay No. 69 noong Oktubre 20 habang kasalukuyang No. 112 kinopo nitong Enero 19.

Swak siya sa 2026 Australian Open 3rd round (2026), 1st round sa 2025 French, 3rd round sa 2025 Wimbledon at 2nd round sa 2025 US.