Kulong ang isang Amrikano matapos na saksakin ng maraming beses ang kanyang asawa na isang Filipina sa Negros Occidental na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nangyari ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Barangay Vallehermoso.

Nadakip naman ang 40-anyos na suspek na dating miyembro ng US Marines.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pagkuha ng suspek sa patalim at pinagsasaksak ang biktima, na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon sa pulisya, nagtangka rin ang suspek na saktan ang kaniyang sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinag-ugatan ng away ng mag-asawa na nauwi sa malagim na krimen.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong parricide.