@jkthriftwise

Ito nalang sana ginawa mong background habibi di ka sana ma babash ngayun #fyppppppppppppppppppppppp #philmaralipayo #trending

♬ original sound – kimshymoves – kimshymoves

Tila sinagot na ni Andi Eigenmann ang isyu tungkol sa viral video ng fiancé niyang si Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram Story, tila may pahaging si Andi sa isang taong nagpapapansin lamang umano at ginawan ng malisyosong istorya ang video ng pakikipagkuwentuhan ni Philmar sa kanya.

Hindi man tinukoy sa post si Philmar, malinaw sa pahayag ni Andi na malayang-malayang lumabas ang fiancé kasama ang kanyang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, at makikipag-usap kanino man.

Noong Biyernes, May 25, nag-viral sa TikTok ang ipinost na video ng isang influencer/video creator na si Crissa Liaging kasama si Philmar sa Siargao.

Binigyang kulay ito ng netizens na alam ang love story ni Philmar at ng aktres na si Andi.

-- ADVERTISEMENT --

Makikita sa viral video na nag-uusap ang TikTok content creator at negosyanteng si Crissa at Philmar.

Umabot kaagad ng million views ang video, pero binura ito ni Crissa.

Ni-reupload lang niya ito ulit na may kaparehong caption.

Sinaliwan din niya ito ng kantang “Weak” ng American R&B vocal trio SWV.