Patay ang anim na katao at 45 ang nasugatan matapos ang bus crash sa federal highway sa southeastern Brazil.

Nangyari ang aksidente sa BR-153 federal highway sa lungsod ng Marilia.

Sinabi ng federal highway police ng Brazil na sakay ng bus ang mga farm workers mula sa northeastern Maranhao state papunta sa southern Santa Catarina state para mag-ani ng mga mansanas.

Nawalan umano ng control sa manebela ang driver matapos na sumabog ang isang gulong na nagresulta sa pagbaligtad ng sasakyan.

Nahihirapan ang mga awtoridad na malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima dahil sa kawalan ng listahan ng mga pasahero ng bus.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan na ang tunay na dahilan ng aksidente.

Nangyari ang aksidente kasunod ng dalawang insidente ng aksidente ng dalawang minibus sa South Africa nitong nakalipas na buwan.