Hanggang ngayon ay missing pa ang apat na Pinoy sa Mynmar kasunod ng 7.7 magnitude na lindol na tumama sa bansa noong Biyernes.

Sinabi ni Foreign Undersecretary Eduardo de Vega, kabilang sa nawawala ang mag-asawa na nakatira sa isang gusali na gumuho pagkatapos ng lindol.

Ayon kay De Vega, lahat sila ay professionals, kabilang ang mga guro at office workers.

Sinabi pa ni De Vega na sa kasalukuyan, wala pang nakikipag-ugnayan na mula sa Pilipinas sa embahada para sa impormasyon sa mga nawawalang Pinoy.

Samantala, sinabi ni De Vega na wala namang naiulat na insidente sa Thailand, sa kabila ng maraming Pinoy sa bansa, at unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon doon.

-- ADVERTISEMENT --