Archbishop Sergio Utleg ng Archdiocese of Tuguegarao

TUGUEGARAO CITY- Nagbigay ng pag-asa si Archbishop Sergio Utleg ng Archdiocese of Tuguegarao ngayong linggo ng pagkabuhay.

Sa kaniyang Easter Message, binigyang diin ni Archbishop Utleg na marami ang umaasa ng pagbabago sa ating sambayanan lalo na sa nalalapit na eleksiyon.

Pero nandiyan pa rin umano ang vote buying, political dynasty, patronage politics at pananakot.

Subalit, naniniwala ang arsobispo na mananaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan dahil mas marami umano ang mga mabubuting tao.

Gaya aniya ni Hesus na walang nakaisip na mabubuhay siyang muli nang ipinako sa krus para tubusin ang kasalanan ng sanlibutan.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit nang dahil umano sa kapangyarihan ng diyos muling nabuhay si Hesus.

Tiwala si Archbishop Utleg na sa tulong ng panginoon ay matutupad ang ating inaasam na kabutihan at pagbabago.