Mas paiigtingin ng ASEAN ang pagsusulong ng malinis na enerhiya, digitalization at sustainable infrastructure upang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan at mapalakas ang koneksyon ng mga bansa sa rehiyon.

Ayon kay Department of Economy, Planning and Development Undersecretary Joseph J. Capuno, layunin nitong gawing konkretong proyekto ang mga napagkasunduang plano para sa sustainable infrastructure.

Tinalakay sa ASEAN Committee on Sustainable Infrastructure ang mga prayoridad na proyekto sa ilalim ng ASEAN Infrastructure Pipeline at ASEAN Sustainable Infrastructure Action Plan 2026–2030, kabilang ang mga hakbang para makalikom ng pondo at makahikayat ng mga investor.

Samantala, nakatakdang ipasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa ACSI sa 2027.