
Nasa ika-65 puwesto ang Pilipinas sa 2025 Atlas of Impunity, isang ulat na sumusukat sa antas ng kawalan ng pananagutan o impunity sa iba’t ibang bansa.
Nakakuha ang Pilipinas ng impunity score na 44.86 mula sa 174 na bansa. Mas mataas ang puwesto ng ilang bansa sa ASEAN na may mas mababang score, kabilang ang Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia, Timor-Leste, at Singapore.
Ayon sa ulat, sinusuri ng Atlas of Impunity ang limang pangunahing aspeto tulad ng hindi mananagot na pamamahala, economic exploitation, pagkasira ng kapaligiran, conflict at violence, at human rights abuses.
Samantala, kabilang sa mga bansang may pinakamataas na antas ng impunity sa buong mundo ang Syria, South Sudan, Afghanistan, Myanmar, at Yemen.










