Binasag ni Atty. Amando Virgil Ligutan ang kanyang katahimikan matapos siyang ma-red tag sa social media kaugnay ng kanyang pagiging bahagi ng House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Itinanggi ni Ligutan ang mga kumakalat na alegasyong miyembro siya ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) at sinabing wala itong batayan.

Aniya, hindi siya kailanman naging miyembro ng naturang organisasyon.

Naniniwala ang abogado na lumabas ang mga isyu dahil sa kanyang papel sa impeachment trial.

Nauna nang iniugnay siya ng dating opisyal ng gobyerno na si Lorraine Badoy sa NUPL at sa umano’y koneksyon nito sa mga teroristang grupo sa pamamagitan ng mga social media post.

-- ADVERTISEMENT --