Hindi magpapadala ang Australia ng mga barkong pandigma upang tumulong sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, ayon sa isang ministro ng pamahalaan noong Lunes.

Ayon kay Catherine King, miyembro ng gabinete ni Punong Ministro Anthony Albanese, hindi bahagi ng kontribusyon ng Australia ang pagpapadala ng barko sa nasabing lugar.

Sinabi ni King na hindi sila magpapadala ng barko sa Strait of Hormuz.

Tinatayang nasa isang-ikalima ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas ang karaniwang dumaraan sa Strait of Hormuz. Gayunman, halos ilang linggo nang hindi madaanan ang lugar matapos magsimula ang digmaan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran noong Pebrero 28.

Samantala, iniulat ng The Wall Street Journal noong Linggo na inaasahang iaanunsyo ng administrasyon ni US President Donald Trump ngayong linggo na may ilang bansa na pumayag bumuo ng isang koalisyon upang samahan o eskortahan ang mga barko na dadaan sa Strait of Hormuz.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang nagpadala ang Australia ng mga sasakyang panghimpapawid upang tumulong sa depensa ng United Arab Emirates matapos itong humiling ng tulong.