Humakot ng pagkilala at parangal ang bayan ng Baggao, Cagayan sa pagsasara ng Paddarafunan Trade Fair ng 442nd Aggao Nac Cagayan sa Leonardo N. Mamba Memorial Gymnasium, Tuguegarao City.

Sinabi ni Jhener Manding, head ng Municipal Agriculture Office ng Baggao, kabilang sa mga nasungkit ng kanilang bayan ay ang pagiging Most Maintained Booth, 1st runner-up sa pagiging Most Visited Booth, 3rd runner-up sa pagiging Top Selling Booth na nakalikom ng P62,951 na benta, Best in Pakulo, kung saan kabilang dito ang pagbalanse ng barya sa lemon at pagbibigay ng give-away sa P300 at higit pa ng purchase.

Ayon kay Manding, pinaghaandaan nila ang kanilang booth, kung saan ay ipinakita nila dito ang mga produkto na mula at gawa sa Baggao.

Kabilang dito ang mga prutas at mga gulay, bamboo products, mga halaman at maraming iba pa.

Sinabi ni Manding na bunga ito ng dedikasyon at hardwork ng mga mamamayan ng Baggao.

-- ADVERTISEMENT --

Ang bayan ng Calayan ang nakapagtala ng pinakamataas na benta na umabot sa P217,063, habang pumangalawa naman ang Buguey na P196,130.

Namayagpag ang Enrile sa major awards matapos hiranging kampeon kasunod ng pagkakasungkit sa Best Dressed Booth Design na tumanggap ng token, certificate of appreciation, at P20,000 cash prize, sinundan ito ng Baggao na hinirang bilang 1st runner-up Best Dressed Booth Design na tumanggap ng token, certificate of appreciation, at P10,000 cash prize habang 2nd runner-up naman Tuao na tumanggap ng token at P5,000.

Hinirang din bilang 2nd runner-up Most Visited Booth ang Bayan ng Iguig, habang 3rd runner-up ang Enrile.