
Muling nag-landfall ang bagyong Basyang (Penha) sa Bohol kaninang tanghali.
Unang tumama ang bagyo sa Bayabas, Surigao del Sur kagabi.
Huling namataan ang sentro ng bagyo malapit sa Bilar, Bohol, na may lakas ng hangin na 55 km/h at pagbugso na hanggang 75 km/h, at kumilos pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
Ibinabala ang malalakas na ulan, at hangin, at malalakas na alon habang patuloy ang pagkilos ni Basyang sa kanluran-hilagang kanluran at inaasahan na hihina ito bilang low pressure area sa susunod na 24 oras.
Sa forecast track, posibleng tatama muli ang sentro ng bagyong Basyang sa katimugang bahagi ng Cebu at Negros Occidental sa susuno na mga oras o bukas ng umaga.
Kasunod nito ay tatahakin na ni Basyang ang southern portion ng Panay Island o ang Panay Gulf.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon, na posibleng nakapagpahina sa bagyo.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao.










