Kinumpirma ng pulisya sa Czech Republic na may alam sila sa pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa Prague, ngunit ipinasa nila sa Ministry of Interior ang pagbibigay ng detalye ukol dito.

Ayon sa isang opisyal ng press room ng Czech police, inaaayos pa ang impormasyon hinggil sa insidente.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Philippine Embassy sa Czech Republic kaugnay ng posibleng consular assistance kay Co at sinabing mag-uulat muna ito sa Department of Foreign Affairs.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kagabi ang pagkakaaresto ni Co at sinabing nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Czech government upang masiguro ang tamang proseso at mapabilis ang pagbabalik nito sa Pilipinas.

Nahaharap si Co sa kasong graft at malversation kasama ang 15 iba pa kaugnay ng umano’y maanomalyang P289 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Enero, naiulat ding humarap siya sa isang ahensya sa Stockholm, Sweden kaugnay ng kanyang petisyon sa Korte Suprema.