Humina na ang bagyong Josie at ngayo’y isa na lamang Tropical Depression habang patuloy na mino-monitor sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang sentro ng Josie sa layong 1,070 kilometro silangan ng Luzon.

Taglay nito ang lakás ng hangin na 45 kph malapit sa sentro at pagbugso hanggang 55 kph. Kumikilos ito sa direksyong Hilagang-Hilagang Kanluran (North-Northwest) sa bilis na 25 kph.

Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) ang kasalukuyang binabantayan sa labas ng PAR.

Matatagpuan ito sa layong 820 kilometro silangan ng Hilagang Luzon at may medium chance na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala ang mga eksperto na patuloy na mag-monitor sa mga abiso at babala hinggil sa lagay ng panahon, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng ulan at pagbaha.