TUGUEGARAO CITY – Nahanap na ngayong araw ang bangkay ng isang batang lalaki, isang araw matapos na malunod habang naliligo sa Cagayan river.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Police Master Sergeant Elmo Purok ng PNP Sta Maria na natagpuang palutang-lutang sa ilog ang bangkay ng biktimang si Jomel Gatan, 13 anyos, residente ng Barangay Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela.

Nabatid na naligo ang biktima kasama ang kanyang pinsan sa may bahagi ng San Pablo – Sta Maria overflow bridge nang aksidenteng malunod.