Natagpuan na ang bangkay ng isang 56-anyos na security guard na napaulat na nawawala habang naka-duty sa La Mesa Dam sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, bandang 2:30 ng madaling araw ay napansin ng kanyang kasamahan na nawawala ang biktima sa kanilang formation.

Matapos ang ilang oras, natagpuan itong palutang-lutang sa dam sa likod ng guesthouse.

Agad na rumesponde ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at sila rin ang nagsagawa ng retrieval operation sa katawan ng biktima.

Ang biktima, na residente umano ng Tondo, Maynila, ay kasalukuyang iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) mula sa Quezon City Police District Forensic Unit upang matukoy kung may naganap na foul play.

-- ADVERTISEMENT --

Isasailalim din ito sa awtopsiya.

Patuloy pa ang imbestigasyon at wala pang karagdagang detalye na inilalabas sa ngayon.