
Hinamon ni House prosecution adviser at spokesperson Robert Ace Barbers ang apat na bumaligtad na “Maleta Boys” na pangalanan ang umano’y mastermind sa likod ng kanilang sinumpaang salaysay na sinabi nilang scripted at imbento.
Kasunod ito ng pagbawi ng apat sa kanilang mga pahayag tungkol sa umano’y pagdadala ng mga maletang puno ng pera sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan, mambabatas at iba pang personalidad.
Ayon sa apat, hindi sila ang gumawa ng kanilang mga affidavit at pinangakuan lamang sila ng pera kapalit ng pagtukoy sa ilang personalidad.
Hiniling ni Barbers na maglabas ang mga ito ng ebidensya upang lumitaw ang katotohanan at malinis ang pangalan ng mga personalidad na nadawit sa umano’y mga maling alegasyon, kabilang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Barbers, dapat managot at makasuhan ang mga umano’y nagmanipula sa mga pahayag ng 18 “Maleta Boys” na nagpakilalang dating Marines at bodyguard ni dating Congressman Zaldy Co









