TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang dalawang hindi nakilalang lalaki na tumangay sa isang baril na pagmamay-ari ng isang retired police officer sa Tuguegarao City.

Ayon kay Lt. Isabelita Gano ng PNP-tuguegarao,ipinarada umano ng biktima na si Elwood De Leon ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang tahanan sa Brgy Annaffunan East.

Ngunit, kinaumagahan ng kanya itong balikan ay nasira na ang kanyang motorsiklo at napag-alaman na nawawala na ang kanyang 9mm na baril na noon ay nakalimutan niyang tanggalin sa box ng kanyang motorsiklo.

Batay naman sa salaysay ng kapitbahay ng biktima na hindi na pinangalanan, nagising umano siya dahil sa tahol ng mga aso at dito, kanyang nakita ang dalawang lalaki na sinisira na ang motorsiklo ng biktima,ngunit dahil sa takot , hindi ito agad nakapagtawag ng tulong.

Sa ngayon, kwestyonable parin sa biktima maging sa mga kapulisan kung paano nalaman ng mga suspek na may baril sa nasabing motorsiklo kung kaya’t patuloy ang kanilang isinasagawang iombestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, inaalam narin ng kapulisan kung bakit hanggang sa ngayon ay hawak parin ng biktima ang kanyang baril gayong retired na ito.