
Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umaabot sa 53 bangkay ang kanilang narekober sa ikaapat na araw ng nagpapatuloy na response at retrieval operations ngayong Huwebes, Hunyo 11 kasunod ng tumamang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay BFP spokesman Supt. Anthony Arroyo, ilan sa mga narekober na labi ay isinasailalim pa sa validation dahil nagpapatuloy pa rin ang pagtukoy ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga ito.
Ang bilang ng na-retrive na mga katawan ng mga biktima ng lindol ay mas mataas kesa sa opisyal na datos na 45 fatalities ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inilabas kahapon.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang search and retrieval efforts ng BFP sa Region 12 kung saan ipinadala na rin ang kanilang units mula sa iba pang rehiyon para mag-augment sa mga local responder.










