Utang ang itinuturong dahilan nang umanoy pagpapakamatay ng isang 22-anyos na magsasaka sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Crispin Soriano, magsasaka at residente ng Brgy. Malummin.
Ayon kay PMAJ JunJun Balisi, hepe ng PNP-Tuao, dakong ala-1:00 ng hapon nang madiskubre ng mga batang naglalaro ang nakabigting katawan ng biktima sa kisame ng bahay ng kanilang lola gamit ang fan belt ng tractor.
Kaagad namang humingi ng tulong ang mga saksi sa kapitan ng Barangay na siya namang nagsabi sa pulisya hinggil sa naturang insidente.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na na-depressed ang biktima dahil sa pangungulit na pangongolekta ng lending institution at sa mga indibidwal na nakautangan niya.
Nabatid na hiwalay na ang mga magulang ng biktima at iniwan sa kanya ang responsibilidad sa tatlo nitong nakababatang kapatid na dahilan ng kanyang mga pagkakautang.