
Patay ang isang 15 anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng maraming beses ng kapwa niya Grade 10 student sa Baseco, Manila kagabi.
Nagtamo ng anim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, kung saan nangyari ang insidente sa likod ng eskwelahan sa Baseco compound.
Sa CCTV footage makikita ang suspek na inaabangan niya ang biktima habang sa kuha naman na video sa cellphone, makikita ang 16 anyos na sinasaksak ang biktima habang sila ay nag-aaway.
Nagawa ng biktima at kanyang kasama na masukol ang suspek subalit nakatakas ito at habang hawak ng isang lalaki ang likod ng biktima.
Nagtagal ang away ng ilang segundo.
Pagkatapos ng kanilang away, nagawa pa ng biktima na makalayo subalit bigla siyang natumba.
Ayon sa Manila Police District, namatay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa ospital.
Nakita ang suspek sa bahay ng kanyang kaklase habang ang patalim na ginamit niya sa pananaksak sa biktima ay nakita sa isang basurahan.










