TUGUEGARAO CITY-Mariing pinabulaanan ni Vincent Blancad, head ng Public Order and Safety Unit o POSU ng Tuguegarao City na hindi siya naka-helmet habang nagmomonitor sa implementasyon ng “no helmet,no travel policy”.

Reaksion ito ni Blancad sa obserbasyon ng isang tagapakinig ng ating himpilan na nakita umano niya ang opisyal na hindi suot ang kanyang helmet sa halip ay nakalagay sa kanyang siko sa Arellano street.

Sinabi ni Blancad na sa lahat ng oras kahapon sa kanilang monitoring ay nakasuot siya nng helmet.

Bukod dito, sinabi niya na hindi siya napadaan sa Arellano street kahapon.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito,nilinaw ni Blancad na hindi exempted ang mga taga-ibang lugar o labas ng Tuguegarao sa nasabing patakaran.

Ayon sa kanya,national law ang kanilang sinusunod sa pagpapatupad ng nasabing hakbang.

Sinabi niya na ito ay para rin sa kapakanan ng mga motorista upang makaiwasan sa matinding pinsala sakaling sila ay maaksidente.