TUGUEGARAO CITY-Huli ang isang barangay kagawad sa Anti-Illegal drug buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Randy Casagan , 34-anyos , barangay kagawad sa Barangay Andarayan North sa bayan ng Solana.

Nang magkaabutan ang suspek at poseur buyer ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 na busy bust money ay dito na hinuli ang suspek.

Katuwang ng PNP Peñablanca ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)at Cagayan-PNP sa naturang operasyon.

Bukod sa dalawang sachet ng shabu, may nakuha pang karagdagang dalawang shabu sa suspek matapos kapkapan.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na una na ring nahuli ang suspek nitong unang linggo ng buwan ng Agosto sa bayan ng Solana dahil sa kaparehong kaso ngunit nakalabas matapos makapagpiyansa.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek na itinuturing na high value target at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002.