
Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Pebrero laban sa mga love language na may kasamang hingi ng pera, bilang bahagi ng kampanyang #BSPSecuriTips kontra scam.
Ayon sa BSP, tumataas ang kaso ng romance scams ngayong buwan ng mga puso, kung saan ginagamit ang emosyon upang makapanloko.
Kaya’t pinayuhan ang publiko na magdoble-ingat sa online na pakikipag-ugnayan, lalo na kung may usapang pinansyal, at sundin ang #CPR: Check, Protect, Report.
Kaugnay nito, inilunsad ng BSP ang Financial Services Cyber Resilience Plan at ipatutupad simula Hunyo 25, 2026 ang phishing-resistant authentication gamit ang FIDO Suite sa lahat ng BSP-supervised banks.
Paalala ng BSP, huwag basta magpadala ng pera sa mga online na nakilala at agad i-report ang kahina-hinalang aktibidad.










