Pumalo na sa 74 na mga kandidato mula sa ibat-ibang mga posisyon ang pinapasagot ngayon ng Commission on Election dahil sa alegasyon ng pamimili ng boto.

Ang dokumento ni pinirmahan ni Committee on Kontra Bigay head Teopisto Elnas Jr. ay mayroong 19 na lokal na kandidato na sangkot sa vote buying at abuse of state resources (ASR).

Nanguna sa pinapasagot ang mag-asawang sina Marikina Rep.Stella Quimbo na tumatakbong alkalde at sangkot umano sa vote-buying at ASR habang ang asawa nitong si dating Rep. Romeo Quimbo na tumatakbo ngayon bilang 2nd Dist. Rep. ng Marikina ay pinapasagot sa vote-buying.

Kabilang din na pinapasagot dahil sa alegasyon ng vote buying at abuse of state resources si Cagayan province gubernatorial candidate Zarah Rose Lara.

Magugunitang nitong Huwebes ay may ilang kandidato rin ang pinapasagot ng COMELEC dahil sa nasabing alegasyon ng pagbili ng mga boto.

-- ADVERTISEMENT --