
Ang pinakamayaman sa Pilipinas ay si infrastructure at casino tycoon Enrique Razon, ayon sa Forbes.
Samantala, malapit nang maging trillionare ang kontrobersiyal na tech tycoon Elon Musk, matapos na umabot sa $800 billion dollar mark ang kanyang kayamanan.
Si Razon na may ranggong 175, ang nangunguna sa listahan ng Philippine billionaires na may net worth na $16.5 billion.
Tumaas ang value ng kanyang International Container Terminal Services Inc, na nagsimula nitong mga nakalipas na taon, ng mahigit 10 beses buhat nang simula ng pandemic.
May operasyon ito sa anim na kontinente, at itinala ang kita nito na tumaas ng 23 percent sa $1.05 billion noong 2025, sa gitna ng mas mataas na cargo volumes.
Bukod sa ICTSI, pagmamay-ari din niya ang nangungunang casino operator Bloomberry Resorts Inc, utility Manila Water, at Malampaya Project.
Sunod kay Rason si San Miguel head Ramong Ang, sa ranggong 1186, na may net worth na $3.6 billion.
Pangatlo naman si tobacco at airline magnate Lucio Tan, na may net wortj na $3.5 billion.
Pumang-apat na lamang ang dating pinakamayaman sa bansa na si Manuel Villar na may net worth $3.1 billion.
Ayon sa Forbes, natukoy nila ang net worth sa pamamagitan ng stock prices at exchange rates mula March 1, 2026.





