Pinayuhan ni Senate President Alan Peter Cayetano si Senate President Pro Tempore at acting Senate President Sherwin Gatchalian na maghintay sa tamang panahon kaugnay ng usapin sa pagbabago ng liderato sa Senado.

Nagsimula ang isyu matapos ang mga kaganapan sa plenary session noong Hunyo 3, kung saan dumalo si Senador Francis Escudero at nakatulong sa pagkumpleto ng quorum na 12 senador upang maipagpatuloy ang sesyon.

Dahil dito, nabuksan ang usapin sa liderato ng Senado at pansamantalang nabakante ang ilang posisyon, kabilang ang pagiging Senate President Pro Tempore na naihalal kay Gatchalian at kalaunan ay idineklarang acting Senate President.

Kinilala rin ng Malacañang si Gatchalian sa naturang posisyon habang patuloy ang pagtalakay sa usapin ng aktwal na pamunuan ng Mataas na Kapulungan.

Sa pahayag ni Cayetano, sinabi niya na dapat pag-isipang mabuti ni Gatchalian ang pagtanggap sa naturang tungkulin.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, mas mabuti umanong maghintay na lamang sa tamang panahon at iwasan ang mga hakbang na maaaring magdulot ng komplikasyon sa kanyang karera sa hinaharap.

Dagdag pa niya, dapat umiwas sa anumang hakbang na maaaring kuwestiyunin ang legalidad upang hindi mapahamak ang sinumang opisyal.