
Nahuli sa Batangas Port ang isang Chinese national na pinaghihinalaang sangkot sa espiya noong Pebrero 20.
Kinilala ng Bureau of Immigration ang suspek bilang si Zhi Ling Guan, 47, na umano’y nagpakilalang Pilipino gamit ang pekeng driver’s license sa pangalang “Mike Sy.”
Nahuli siya matapos ma-crossmatch ang kanyang fingerprints sa talaan ng Land Transportation Office, na nagpatunay ng kanyang tunay na pagkakakilanlan.
Bagamat hindi pa inilalabas ng BI ang kabuuang detalye ng kanyang mga aktibidad mula nang pumasok siya sa bansa noong 2017, nakatakda na ang deportasyon ng suspek.










