Tuluyan ng inisyuhan ng subpoena ng Commission on Elections (Comelec) ang suspended Mayor ng Bamban na si Alice Guo dahil sa kasong material misrepresentation.
Inirekomenda ng legal department ng Comelec ang pag-iisyu ng subpoena na ito noong unang bahagi ng Agosto kung saan kasama ito sa mahahabang listahan ng mga hakbang ng gobyerno laban kay Guo.
Nauna nang naglabas ang Senado ng warrant of arrest para kay Guo dahil sa hindi pagdalo sa kanilang mga pagdinig.
Nagsagawa rin ang Comelec ng sariling fact-finding mission kasunod ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil kay Guo.