TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC)-Region 02 ang mga government agencies na maging aktibo sa pag-post o paglabas ng job opening sa social media.

Ayon kay Director Nerissa Canguilan ng CSC-Region 02, ito’y para mas mabilis na makita ng mga interesadong applikante ang mga job vacancies lalo na ngayon at pangunahing ginagamit ang social media.

Aniya, mahalagang maipaabot sa mga applikante ang mga job vacancies upang matugunan ang kawalan ng trabaho at paglobo ng bilang ng mga walang trabaho na dulot ng covid-19 pandemic.

Kaugnay nito, umapela si Canguilalan sa mga opisyal ng bawat government agencies at mga Local Government Units (LGU) na gamitin ang live via internet interview sa mga aplikante bilang pagsunod sa social distancing.

Tinig ni Director Nerissa Canguilan

Samantala, hinimok din ng director ang publiko lalo na ang mga naghahanap ng trabaho na bisitahin ang kanilang website na www.csc.gov.ph upang makita ang kumpletong listahan ng mga job vacancies.

-- ADVERTISEMENT --