Humihirit ang Department of Agriculture (DA) ng P500 million na pondo mula sa pamahalaan upang makapamili ng 150,000 metric tons ng buhay na baboy.
Ang Food Terminal Inc., ang mamimili ng buhay na baboy direkta sa hog farms at magbabagsak sa retailers sa mga palengke sa Metro Manila.
Layon nito na maalis ang layers o middlemen at maibaba ang presyuhan sa karneng baboy.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa huling bahagi ng Hulyo o sa unang bahagi ng Agosto muling ipatutupad ang maximum suggested retail price (MSRP) sa karneng baboy upang mapagaan ang gastusin ng consumers sa gitna ng tumataas na presyo ng karneng baboy.
Sa price monitoring ng DA, nasa P400 pa rin ang presyo sa kada kilo ng pigue at kasim sa halipnsa napagkasunduang P350 kada kilo.