TUGUEGARAO CITY- Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang nangyaring pagbangga ng trailer truck na may lulang backhoe sa isang bahay sa Pudtol, Apayao.
Sa nasabing insidente, sinabi ni PLT. Marvin Fey- agan, hepe ng PNP Pudtol na dalawa ang namatay kabilang ang isang menor edad at 11 ang nasugatan kabilang ang apat na pahinante at driver ng truck.
Sinabi niya na ang mga namatay ay kabilang sa walong nasagasaan na nasa harap ng bahay na binangga ng truck.
Sa kanilang paunang pagsisiyasat, napansin umano ng driver na hindi gumana ang preno ng sasakyan at nang subukan na kontrolin ito ay dito na siya nawalan ng kontrol sa manebela hanggang sa bumangga sa isang bahay.
Sinabi niya na dalawa sa mga nasugatan ay dinala sa CVMC dito sa Tuguegarao habang ang iba pa ay sa ilang ospital na sa Apayao.
Ayon pa kay Fey-agan, pakurbada at pababa ang nasabing kalsada bagamat hindi naman umano ito accident prone area.