Bumuo ang Philippine National Police ng special body na magsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Australian nationals at isang Filipina sa isang hotel sa Tagaytay City, Cavite noong July 10.

Sinabi ng Police Regional Office (PRO) 4-A na binuo ang Special Investigation Task Group “SITG DAVID FISK” para sa imbestigahan ang pagpatay sa mga biktima na sina “David,” 57; “Lucita, 55, kapwa Australian citizens; at “Mary,” 30.

Nakita ang mga labi ng mga biktima ng 1:35 p.m. na nakatali ang kanilang mga kamay at paa at nabusalan ng packing tape ang kanilang mga bunganga sa loob ng isang silid sa hotel.

Sinabi ni Brigadier General Paul Kenneth Lucas, PRO-4A commander, nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon batay sa mga nakuha nilang mga ebidensiya.

Sinusuri na ng mga imbestigador ang video footage mula sa closed-circuit television cameras sa hotel at sa labas nito para sa pagtukoy sa mga salarin.

-- ADVERTISEMENT --