Tuguegarao City- Inaalam pa rin ng PNP Solana ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin sa pamamaslang sa dalawang lalaking natagpuang itinapon ang bangkay sa ilalim ng tulay sa Brgy. Iraga, Solana.

Kinilala ang dalawa na sina Joseph Vincent Frogoso ng Brgy. Atulayan Sur, Tugegarao City at Merwin Adrian Balisi ng Ugac Norte dito sa lungsod.

Sinabi ni PCAPT JhunJhun Balisi, hepe ng PNP Solana, nirespondehan ng kanilang hanay ang insidente matapos ipagbigay alam ito ng isang Sanguniang Bayan Member ng Solana.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Solana ay nakita ang mga tama ng bala ng baril sa dalawang biktimang maputik ang katawan.

Ayon pa kay Balisi ay walang nakitang bakas ng dugo sa lugar kung saan nakita ng mga otoridad ang mga labi ng dalawa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat hinggil sa nasabing pangyayari.