Tuguegarao City- Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang health workers ng Cagayan Valley Medical Center batay sa lumabas na resulta ng kanilang swab test.

Kabilang sa mga tinamaan ng sakit sina CV511, 25 anyos na babae, nursing attendant mula sa bayan ng Alacal at si CV512, 31 anyos mula sa bayan ng PeƱablanca, Cagayan.

Asymptomatic naman ngayon ang kondisyon ng mga nasabing pasyente.

Sa datos ng Provincial Health Office ng Cagayan ay umabot na sa 188 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit kung saan 142 dito ang nakarekober na sa sakit at 46 naman ang active cases.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nasa 5,728 ang bilang ng mga naitalang suspected cases na minomonitor sa mga quarantine facilities sa Cagayan.

2,671 sa mga ito ang mula sa mga karatig probinsya, 2,548 ang mula sa National Capital Region (NCR)at 509 ang mga OFWs.