Huli ang dalawang katao sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa isang communal toilet sa Barangay Libertad, Abulug, Cagayan pasado 11:00 kagabi.

Kinilala ang mga nahuli na sina alyas Jim, 37-anyos, sales promoter, may asawa at alyas CJ, 28, isang mekaniko, walang asawa at kapwa residente sa nasabing bayan.

Una rito, nakatanggap ang PNP Municipal Police Station ng sumbong na may dalawang tao na umano’y gumagamit ng shabu sa nasabing palikuran.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis, kung saan ay nadatnan nila ang dalawa na may hawak na drug paraphernalia at hinihinalang shabu.

Nakumpiska rin mula sa mga ito ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

-- ADVERTISEMENT --